GeoCitiesRank My SiteTake A TourMy GuestbookChat
Pages Like MineSearchSend This PageForums
Email Me
Tokyo

SUNOG
(c)(p)1996 Gil S. Paz
Philippine Copyright 1978 Jem Recording Co. Inc.
Philippine Copyright 1998 Gil S. Paz

Sunog! Sunog!
Mayroong sunog sa kanto
Sunog! Sunog!
Yun pala'y ang bahay na ni Mang Ambo.

Itong si Mang Ambo
Ay may masamang bisyo
Siya'y mahilig manigarilyo
Sa loob ng kulambo
Hindi niya namalayan
Habang siya'y naghihilik
Ang tangang sigarilyo'y
Sa kulambo nadikit.
Nang itong si Mang Ambo
ay natauha't magising
Kumalat na ang apoy
Sa sahig at sa dingding
Agad niyang naisipan na
sa bintana ay tumalon
Ni hindi niya naalalang
Wala syang pantalon

Tumawag agad sa telepono
Ano ba ang number ng bumbero
Huwag lang pong malilito
Relax lang po tayo
Gising agad mga kapitbahay
Maghakot ng bagay-bagay
Na sa inyong kuro at palagay
Mahalaga sa inyong buhay.

At ang aral nitong
Ating maikling kuwento
ay napakadali
at masusundan ninyo
Mag-iingat kayo huwag pakakasiguro
at huwag na huwag pipili
ng bisyong peligroso.

WORDS AND MUSIC by Gil S. Paz


[Biograph] [Write-ups] [Pictures] [E-Mail] [Sign Guestbook] [View Guestbook] [Links]

This page hosted by   Get your own Free Home Page