SA PULA'T SA PUTI
(c)(p)1996 Gil S. Paz
Philippine Copyright 1998 Gil S. Paz

Ang buhay daw ng tao'y parang sa pula't sa puti
Di puwede sa gitna, bawal rin sa tabi
Paggising sa umaga, dapat tumayo ka na
Kung ikaw man ay matalo, bahala ka na
Alas otso ng umaga pasok sa opisina
wala kang sasakyan, ang bus ay abangan na
Mahal ang pamasahe, puwesto'y agawan pa
Kung ikaw ay patay-patay, hindi ka makakasalta

Pagdating sa opisina, isuot ang iyong maskara
Takpan ang iyong mukha
Upang huwag makilala
Kapwa'y lolokohin, kung puwedeng iigitin
Loob ang palalakasin
Puso ay patitigasin
Pagkagat ng dilim, handang umuwi na
Upang iyong makapiling ang mahal na pamilya
Bigla kang yayayain ng iyong barkada
Doon sa kabaret, kayo ay pupunta
Mag-hahatinggabi, ikaw ay lasing na
Tungo sa inyong tahanan, taksi ang magdadala
Pagod ka na't lasing, butas pa ang bulsa
Kawawang misis mo, puro na lang ang pasensiya
Ika'y nasa kama handang matulog na

Medyo natatauhan, mag-iisip ka na
Kung mali man ang iyong taya kanginang umaga
Huwag kang mag-alala bukas ay babawi ka!!! WORDS AND MUSIC BY: Gil S. Paz


[Biograph] [Write-ups] [Pictures] [E-Mail] [Sign Guestbook] [View Guestbook] [Links]

This page hosted by   Get your own Free Home Page