![]() | ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() | ![]() |
![]() | ||
![]() |
Nang ako'y papauwi tungo sa bahay namin,
"O binibini, sa kupas mong maong,
"O binibini sa kupas mong maong
WORDS AND MUSIC BY: Gil S. Paz
[Biograph] [Write-ups]
[Pictures] [E-Mail] [Sign Guestbook] [View Guestbook] [Links]
Kagagaling ko pa lang sa isang mahabang eksamen,
Ako'y napadaan sa dati kong tambayan
Sa gilid ng gusali ng sining at agham.
At aking napuna sa baitang ng hagdanan,
Binibining nakaupo, kay ganda, aklat ang tangan.
Sa kanya ako'y naakit.
Di ko napigilang lumapit,
Ang suot niyang pantalon, isang kupas na maong.
Ako ba'y maari bang sa iyo ay magtanong?"
Papayag ka kayang sa akin ay sumama?
Tayo'y mag-merienda doon sa kapiterya?
At sumama sya sa akin, madali syang kausapin.
Umorder kami ng Coke, at saka sapin-sapin
At ang puso ko ay tumibok, bigla kong napansin
Sa sulok ng kapiterya, sa tabi ng dingding.
Ako ba'y maaaring sa iyo ay magtanong
Ako'y nahihiya kaya't ibubulong,
"Ano ba ang numero ng inyong telepono?"
Wala daw silang telepono, ang sabi nya sa akin.
Address ng tinitirhan, ayaw rin namang sabihin.
Naglakas loob akong siya ay aking tapatin,
"Ikaw nalang kaya ang tumawag sa amin."
Ibinigay ko ang aking numero simbilis ng kidlat
Ngunit di ko akalaing habang siya'y kumikindat,
Ang kabibigay kong numero ay kanyang isinulat sa suot niyang pantalon.
Isang kupas na maong
"O binibini, sa kupas mong maong.
Hanapin lang ang numero na sinulat mo doon
Huwag pagkamalang kodigo pagdating sa klase mo,
Iyan ay numero ng aming telepono.