Magmula nang kita'y makilala
Natutong tumitig sa iyong mga mata
Aking natiyak sa aking isipan,
Ligayang habang buhay ang makakamtan.
Ika'y nangako na magiging tapat,
At aking ibinigay sa iyo ang aking lahat
Ngunit ako'y nagulat isang umaga,
Ako'y nagising at wala ka na.
Kahit ipikit ko ang aking mga mata
Tanging ikaw ang nakikita
Kahit takpan ko ang aking tainga,
Iyong tinig naririnig tuwina.
Kung kumustahin ako ng barkada,
Nagpapanggap na lang na ako'y masaya.
Di bale na lang na wala ka na,
Sanay naman akong nag-iisa.
WORDS AND MUSIC BY: Gil S. Paz