GeoCitiesRank My SiteTake A TourMy GuestbookChat
Pages Like MineSearchSend This PageForums
Email Me
Tokyo

BANGKANG PAPEL
(c)(p)1996 Gil S. Paz
Philippine Copyright 1978 Jem Recording Co. Inc.
Philippine Copyright 1998 Gil S. Paz

Mga barko sa daungan aking pinagmamasdan
Saang karagatan kanilang patutunguhan?
Anong panig ng daigdig kanilang tutungtungan?
Mapalad na maglalayag sa kanila'y nakalimutan
Ako'y nasa baybay lamang sa laot ng buhay
Sa mga maglalayag ako'y kumakaway
Ako'y naliligiran ng apat na pader
Ang tangan-tangan ko'y isang bangkang papel.

Bangkang papel sa aking palad
Pawawalan kita sa kanal
Bangkang papel maglayag
Upang marating mo ang dagat.
Malalim na karagatan, bughaw na kalangitan,
Lihim ninyong itinago, nais kong malaman.
Ngunit hindi ko maiwasan kung minsan ay mangamba-
Barkong sa pagitan nyo'y
Maglaho parang bula.

WORDS AND MUSIC BY Gil S. Paz


[Biograph] [Write-ups] [Pictures] [E-Mail] [Sign Guestbook] [View Guestbook] [Links]

This page hosted by   Get your own Free Home Page